SERBISYONG PANGKALUSUGAN HANDOG NG LOGISIUM AT DCLUB

Layunin

Makapagbigay ng libreng serbisyong medikal katulad ng konsultasyon, general check-up at makapagbahagi ng mga libreng gamot katulad ng mga sumusunod:

  • Losartan
  • Amlodipine
  • Metformin
  • Vitamins
Schedule

Tuwing Linggo, 8:00 am to 5:00 pm

Magsisimula sa May 26, 2024

Hanggang July 28, 2024 (maaaring palawigin depende sa pangangailangan ng publiko)

Lugar

Ermita, Sitio Azucena, Panasahan

Bilang ng mga Pasyente

Hanggang 35 na pasyente lamang kada Linggo

Attending Physician

Lester Faustino

Mga Alituntunin at Proseso

Sa lahat ng nais na magkaroon ng slot para sa libreng konsulta, magiwan ng mensahe sa contact@dclubph.org o magtext o tumawag kay Ms. Margarita “Meg” Fernando sa numerong 0956 774 3084.

Ang unang 35 na pasyenteng nakakuha ng slot para sa isang schedule (Linggo) lamang ang makakapagpakonsulta. Ang mga hindi nakaabot sa cut-off ay bibigyan ng schedule sa susunod na Linggo.

Para sa mga pasyenteng malayo sa pagdadausan ng libreng konsulta, ang aming samahan ay magbibigay ng libreng serbisyo upang ipangsundo at ipanghatid sa mga pasyente. Mangyari lamang na maging handa 15 minuto bago ang oras ng schedule.

Hinihikayat ang lahat ng pasyente na dalin ang kanilang mga laboratory results at pinakabagong reseta.

Ang mga emergency cases ay pinapayuhan na dalhin sa pinakamalapit na hospital.

Ang mga pasyente ay titingnan at bibigyan ng reseta ng gamot. Magbibigay din ang doktor ng laboratory request kung kinakailangan.

Hindi mabibigyan ng slot o schedule sa mismong araw ng konsulta ang mga walk-in.

Ang aming pangunahing layunin ay makapagbigay ng dekalidad ng serbisyo kaya mas pinili naming na gumamit ng sistemang naka-iskedyul. Maraming salamat po sa pang-unawa.